1. Panalagin
( Ang panalagin ay pangungunahan ng isang mag-aaral )
2. Pagbati
Magandang Umaga, Garde 10-Apo!
Pagsasa-ayos ng Silid
Bago maupo, iayos ang inyong mga upuan at pulutin ang lahat ng mga kalat sa ilalim nito.
Maaari na maupo ng tahimik ang lahat.
3. Pagtatala ng mga lumiban sa klase
Mayroon bang lumiban sa pangkat 1?
Mayroon bang lumiban sa pangkat 2?
Mayroon bang lumiban sa pangkat 3?
Mayroon bang lumiban sa pangkat 4?
4. Pagpapasa ng Takdang Aralin
Ipasa ng maayos ang mga indibwal na Takdang Aralin na iniaatas ko sa inyo.
5. Balik-Aral
Kahapon ay ating tinalakay ang Migrasyon.
Ano muli ang migrasyon?
Magaling!
Ang mga Maranao ba o mga taga Marawi na lumipat sa ibang lugar o malayo sa Marawi ay isa ba migrasyon?
Mahusay!
Ang paglipat ba ng senior high school sa activity center ng dampol ay matuturing na migrasyon?
Magaling!
Ang mga OFW ba ay maituturing na isa sa bunga ng migrasyon?
Magaling!
Handa na kayo para sa ating susunod na paksa.
|
( Taimtim na mananalangin ang mga mag- aaral. )
Magandang Umaga din po Bb. Dela Cruz!
(Aayusin ng mga mag-aaral ang kanilang mga upuan at pupulutin ang mga kalat sa ilalim nito.)
Maraming Salmat po.
Wala po!
Wala po!
Wala po!
Wala po!
(Ipapasa ng maayos ng mga mag-aaral angkanilang Takdang Aralin.)
Ang migrasyon po ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa ibang lugar para sa permanente o pansamantalang paninirahan.
Opo! Dahil po ang mga Refugees po na tulad ng mga taga Marawi ay ang mga migrante na umiiwas o tahasan tumatakas sa kaguluhan.
Hindi po! Dahil po ang migrasyon ay paglipat po sa isang lugar,hindi po sa iisang lugar lamang , maaaring relocation ang nangyari sa mga senior high.
Opo! Dahil sa pamilya at trabaho po kaya sila umaalis sa ating bansa.
|
B. Pagganyak
Mga Gawain ng Guro
|
Mga Gawain ng Mag-aaral
|
Bago natin simulan ang ating paksa sa araw na ito ay magkakaraoon muna tayo ng isang maikling aktibidad.
( Ang Aktibidad ay pinamagatang
‘Guess Board Game’. Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa apat na pangkat at sila ay magdidkit ng kanilang
(3) tatlong simbolo sa board game habang nakapila at ipapasa sa iba ang mga simbolo, hindi maaaring magdikit ang ibang kamiyembro hanggat hindi pa tapos magdikit ang naunang miyembro sa board game,at hindi maaari na magkatulad ang bawat larawan na kanilang nalalagyan sa iba pang grupo ,
Magtatalaga ang bawat grupo ng isang ‘Guess Speaker’ at siya ang magpapaliwanag nang ginawa nilang “Guess Pick’’ kung bakit nila napili ang mga larawan sa bawat column sa loob ng (2) dalawang minuto.
|
(Gagawin ng mga mag-aaral ang larawan ng bagay o simbolo na sa tingin nila ay nagrerepresenta sa pangbabae, panglalaki o pangLGBT.)
|
C. Pagtalakay
Mag gawain ng Guro
|
Mga Gawain ng Mag-aaral
| ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Ang isinagawa nating Aktibidad kanina ay maiuugnay natin sa paksa natin sa araw na ito.
Sa inyong palagay, ano kaya ang ating paksa ngayon? magaling!
Kapag narinig mo ba ang salitang Gender, ano ang naiisip mo?
Tama!
Magbigay ng halimbawa ng gender?
(Ipapakita ang larawan patungkol sa gender)
Mahusay!
Dahil sa paglipas ng panahon mas lumawak ang konsepto ng kasarian kahit ang kahulugan nito ay nagbabago din, ‘Accepting without admitting ay unti-unting tinatangap na ng lipunan ngayon hindi tulad noon ang mga LGBT.
(Ipapakita ang larawan patungkol Gender)
Kung ang Gender ay naglalarawan sa panlipunang gampanin o mga itinakda gawain na inaasahan sa isang indibiwal,
Ano naman ang Seks?
(Ipapakita ang larawan ng isang buntis na babae at sanggol)
Pamilyar ba kayo sa larawan?
Ayon sa larawan ano sa tingin mo ang seks?
Mahusay!
Ano ang iba’t-ibang katangian ng seks?
Tama!
Ano pa?
Magaling!
Paano naman ang hemaprodite?
Mahusay!
Sa tingin niyo ba ang oryentasyong sekswal ay nakakatulong sa pagtukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na aktrasyong apeksyonal,emosyonal,sekswal at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya,iba sa kanya o kasariang higit sa isa.
Ano naman ang mga uri ng oryentasyong sekswal?
Mahusay!
Isa-isahin natin ang mga uri ng oryentasyong sekswal.
Ano ang heterosekswal?
Mahusay!
Ano naman ang homosekswal?
Mahusay!
At ang huli,ano naman ang bisekswal?
Magaling!
Bukod sa lalake at babae,may tinatawag tayo sa kasalukuyan na LGBT.
Ano ang LGBT?
Mahusay!
(ipapakita ang larawan ni Aiza seguerra)
(ipapakita ang larawan ni Boy Abunda)
(ipapakita ang larawan ni Donnalyn Bartolome)
(ipapakita ang larawan ni Bebe GandangHari)
Ngayon naman ay sabay sabay nating panoorin ang inihandang presentasyon ng inyong mga kamag-aral upang mas maunawaan natin ang iba’t-ibang aspeto ng ating aralin.
Handa na ba kayo?
(magkakaroon ng presentasyon ang bawat pangkat ng mga mag-aaral ukol sa paksa sa pamamagitan ng iba’t-ibang pagpapahayag tulad ng mga sumusunod; poster making ,pagsasadula,tula,koro pasalita.)
Mahusay! Ang Gender ay social act o itinakda ng lipunan samantala ang seks ay biyolohikal.
Mahusay!
Ang oryentasyong sekwal ay nauuri sa tatlo, ito ay ang mga Heteosexual, Homosexual, Bisexual.
Magaling! Ang lipunang Pilipino ngayon ay masasabi natin na mas bukas na sa bagong perpektibo sa usapin ng kasarian.
Mahusay! Ang katangian ng seks o kasarian ay mag-iba sa babae at lalaki.
|
Konsepto po ng kasarian
Ang Gender po ay tumutukoy sa panlipunang gampanin o tinatawag nasocial act, kilos at gawain na itinakda ng lipunan para sa mga babae o lalaki.
Halimbawa kapag babae po ay ang siya gumagawa ng gawain pangbahay, at ang mga lalaki naman po ang nagtataguyod ng pamilya,dahil iyon ang itinakda sa kasarian ng babae at lalaki ng lipunan.
Opo! Isang buntis po ina at isang sanggol.
Natural po nangyayari sa buhay ng tao, nagbubuntis at nagkakaroon po ng bata o sanggol, tulad po ng kasarian o seks po ay tumutukoy sa biyolohikal o pisyolohikal, katangian sa nagtatakda ng pagkakaiba ng babae o lalaki.
Ang una po na katangian ng seks o (characteristics of sex) ay ang babae ay nagkakaroon ng buwanang regla o mens.
Ang pangalawa naman po ay ang mga lalaki ay dapat magpatuli sa takdang panahon.
Ang hemaprodite naman ay may dalawang sex organs o nagtataglay ng dalawa o parahong katangian ng seks.
Opo!
Ang oryentasyong sekswal ay maaaring maiuri bilang heterosekswal,homosekswal at bisekswal.
Ang mga taong nagkakanasang sekswal
Sa miyembro ng ibang kasarian.
Hal. Ang lalaki ay gusto ang babae.
Ang mga taong nagkakagusto sa kapwa o pareho nila ang seks katulad ng mga lesbian,pagtingin ng babae sa kapwa babae ay gay sa lalake.
Ang mga taong nakakaranas din ng atraksyon sa dalawang kasarian.
Ang LGBT po ay lesbian, gay, bisekwal, at transgender po.
“L” ay Lesbian (tomboy) babae ngunit kilos lalake at nagkakagusto sa kapwa babae.
Ang “G” naman po ay nagrerepresenta sa Gay (bakla) mga lalake na kilos babae at nagkakagusto sa kapwa lalake.
Ang “B” ay nagrerepresenta sa bisekswal na nagkakagusto sa dalawang kasarian.
Ang “T” naman ay para sa mga “transgender” sila po yung mga taong nakakaramdam na sila ay nasa maling katawan,kaya kadalasan sila yung nagpapaopera para maramdaman nila ang kaganapan sa sarili.
Handa na po kami!
Pangkat 1
Layunin ng gawain: Ang mga mag-aaral ay inaasahang maipakita ang pagkakaiba ng gender at seks sa pamamagitan ng poster making.
Pamantayan sa pagmamarka:
Pangkat 2
Layunin ng gawain: Ang mga mag-aaral ay inaasahang maipakita ang Iba’t-ibang uri ng Oryentasyon sekwal sa pamamagitan ng pag-sasadula.
Pamantayan sa pagmamarka:
Pangkat 3
Layunin ng gawain: Ang mga mag-aaral ay inaasahang maipakita ang Iba’t-ibang uri ng pananaw ng mga Pilipino patungkol sa kasarian, sa pamamagitan ng spoken poetry o tula.
Pamantayan sa pagmamarka:
Pangkat 4
Layunin ng gawain: Ang mga mag-aaral ay inaasahang maipakita ang mga katangian seks o kasarian sa pamamagitan ng koro na pasalita
Pamantayan sa pagmamarka:
|
D. Paglalahat
Mga Gawain ng Guro
|
Mga Gawain ng Mag-aaral
|
Ano muli ang Kosepto ng kasarian?
Mahusay!
Ano naman ang mga Katagian ng Seks?
Magaling!
Ano ang iyong natutunan sa presentasyon ng iyong mga kamag-aral patungkol sa ating paksa?
Mahusay!
|
Ang Konsepto ng kasarian po ay ang gender po ay tumutukoy sa panlipunang gampanin o tinatawag nasocial act, kilos at gawain na itinakda ng lipunan para sa mga babae o lalaki
At Seks naman po ay tumutukoy sa biyolohikal o pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae o lalaki.
Ang una po na katangian ng seks o (characteristics of sex) ay ang babae ay nagkakaroon ng buwanang regla o mens.
Ang pangalawa naman po ay ang mga lalaki ay dapat magpatuli sa takdang panahon.at ang hemaprodite naman ay may dalawang sex organs o nagtataglay ng dalawa o parehong katangian ng seks.
Nagiging bukas po ang aking kaisipan sa mas malawak na konsepto ng kasarian at kung paano ito tingnan ng lipunan.
|
E. Paglalapat
Mga Gawain ng Guro
|
Mga Gawain ng Mag-aaral
|
Kung sakali na may kaibigan ka na magtanong sa inyo tungkol sa konsepto ng kasarian, sasagutin mo ba o hindi sasagutin ito, bakit?
Magaling!
|
Sasagutin ko po, dahil nais ko ibahagi ang mga natutunan ko ngayon araw, sa kaibigan ko magtatanong nito.
|
My cooperating
teacher is Mrs. Laila Peralta Romualdez, Honestly I was so bless to have ma’am
Laila besides from sharing her knowledge to me, she help me to improve my
teaching skills, suggesting things that may help to improve myself as educator.
We treat each other as family and we had each other’s back.
In fact, she very supportive in every
minute like a sister to me, we talked about our students, love ones, career and
also family. Our bonding together is very tight that I don’t feel afraid or
threatened when she watching me. Unlike to other cooperating teacher, Ma’am
Laila is professional and punctual even she is not feeling well she always
attend my class to guide me and observe my performance ,she always listen to me
and she always impose things that I should do.
I was honor to her praises every
single moment, and I make sure that her praises would not be turned into
disappointments. I learned a lot from her and I am going to miss her especially
our students.
One’s in the blue moon to find a
cooperating teacher like her. I can’t compare her to anyone, she loving and
dedicated.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento