Maikling Banghay Aralin Panlipunan Grado 10 ( Komtemporaryong Panahon )


A.    Pagganyak

Magkakaroon ng isang maikling  aktibidad ay pinamagatang, ‘Guess Board Game’. Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa apat na pangkat at sila ay magdidkit ng kanilang (3) tatlong simbolo sa board game habang nakapila at ipapasa sa iba ang mga simbolo, hindi maaaring magdikit ang ibang kamiyembro hanggat hindi pa tapos magdikit ang naunang miyembro sa board game,at hindi maaari na magkatulad  ang bawat larawan na  kanilang nalalagyan sa iba pang grupo ,Magtatalaga ang bawat grupo ng isang ‘Guess Speaker’ at siya ang magpapaliwanag nang ginawa nilang “Guess Pick’’ kung bakit nila napili ang mga larawan sa bawat column sa loob ng (2) dalawang minute.

B.   Panlinang na Gawain

Magkakaroon ng presentasyon ang bawat pangkat ng mga mag-aaral ukol sa paksa sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamagitan ng pagpapahayag tulad ng mga sumusunod : poster making, pagsasadula, spoken poetry, koro pasalita.


Pangkat 1
Layunin ng gawain: Ang mga mag-aaral ay inaasahang maipakita ang pagkakaiba ng gender at seks sa pamamagitan ng poster making.

Pangkat 2
Layunin ng gawain: Ang mga mag-aaral ay inaasahang maipakita ang Iba’t-ibang uri ng  Oryentasyon sekwal  sa pamamagitan ng pag-sasadula

Pangkat 3
Layunin ng gawain: Ang mga mag-aaral ay inaasahang maipakita ang Iba’t-ibang uri ng  pananaw ng mga Pilipino patungkol sa kasarian,  sa pamamagitan ng spoken poetry o tula.

Pangkat 4
Layunin ng gawain: Ang mga mag-aaral ay inaasahang maipakita ang mga katangian seks o kasarian sa pamamagitan ng koro na pasalita




C.   Pagtalakay

Ang Gender  ay tumutukoy sa panlipunang gampanin o tinatawag na social act, kilos at gawain na itinakda ng lipunan para sa mga babae o lalaki.Halimbawa kapag babae ay ang siya gumagawa ng gawain pangbahay, at ang mga lalaki naman ang nagtataguyod ng pamilya,dahil iyon ang itinakda sa kasarian ng babae at lalaki ng lipunan. Ang seks ay tumutukoy sa biyolohikal o pisyolohikal, katangian sa nagtatakda ng pagkakaiba ng babae o lalaki. Ang una na katangian ng seks o (characteristics of sex) ay ang babae ay nagkakaroon ng buwanang regla o mens.
Ang pangalawa naman ay ang mga lalaki ay dapat magpatuli sa takdang panahon. Ang hemaprodite naman ay may dalawang sex organs o nagtataglay ng dalawa o parahong katangian ng seks. Ang oryentasyong sekswal ay maaaring maiuri bilang heterosekswal,homosekswal at bisekswal.Ang mga taong nagkakanasang sekswal sa miyembro ng ibang kasarian, Halimbawa . Ang lalaki ay gusto ang babae ang mga taong nagkakanasang sekswal sa miyembro ng ibang kasarian, Halimbawa ang lalaki ay gusto ang babae.Ang mga taong nagkakagusto sa kapwa o pareho nila ang seks katulad ng mga lesbian,pagtingin ng babae sa kapwa babae ay gay sa lalake, ang mga taong nakakaranas din ng atraksyon sa dalawang kasarian. Ang LGBT ay lesbian, gay, bisekwal, at transgender .“L” ay Lesbian (tomboy) babae ngunit kilos lalake at nagkakagusto sa kapwa babae, At ang “G” ay nagrerepresenta sa Gay (bakla) mga lalake na kilos babae at nagkakagusto sa kapwa lalake, ang “B” ay nagrerepresenta sa bisekswal na nagkakagusto sa dalawang kasarian, At ang “T” naman ay para sa mga “transgender” sila yung mga taong nakakaramdam na sila ay nasa maling katawan,kaya kadalasan sila yung nagpapaopera para maramdaman nila ang kaganapan sa sarili.


D.   Panwakas na Gawain

Pagbubuod
Ang Konsepto ng kasarian ay ang gender ay tumutukoy sa panlipunang gampanin o tinatawag na social act, kilos at gawain na itinakda ng lipunan para sa mga babae o lalaki, at Seks naman ay tumutukoy sa biyolohikal o pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae o lalaki. Ang una na katangian ng seks o (characteristics of sex) ay ang babae ay nagkakaroon ng buwanang regla o mens.
Ang pangalawa naman po ay ang mga lalaki ay dapat magpatuli sa takdang panahon.at ang hemaprodite naman ay may dalawang sex organs o nagtataglay ng dalawa o parehong katangian ng seks.
Sana sa pagdating ng panahon ay lalong maging bukas ang bawat kaisipan sa mas malawak na konsepto ng kasarian at kung paano ito tingnan ng lipunan.
  

Paglalapat
Kung sakali na may kaibigan ka na magtanong sa inyo tungkol sa konsepto ng kasarian, sasagutin mo ba o hindi sasagutin ito, bakit?


IV. Pagtataya :
Panuto: Itama ang salita na nagpamali sa talata at bilugan ito (    ⃝         )   , o kung wala namang nakita na mali ay markahan ng puso (         ❤    ) ang numero ng tanong. ( 2pts kada tanong )

11. Ang Seks ay tumutukoy sa biyolohikal o pisyolohikal.

22.    Ang Gender ay tumutukoy sa panlipunang gampanin o tinatawag na social act, kilos at gawain na itinakda ng lipunan para sa mga babae o lalaki.

3.    3. Ang hemaprodite naman ay may tatlong sex organs o nagtataglay ng tatlong o parehong katangian ng seks o kasarian.

4-5. katangian ng seks o (characteristics of sex) ay ang babae ay hindi nagkakaroon ng buwanang regla o mens , at ang mga lalaki ay hindi dapat magpatuli sa takdang panahon



V.      Takdang Aralin
Panuto:  Sagutin ang mga sumusunod na katanungan at isulat ito sa araling panlipunan na kwaderno.
1.    Ano ang ibig sabihin ng gender role?
2.    Ano ang ibig sabihin ng gender stereotype, at paano ito nangyayari?
3.    Ano-ano ang maaari resulta na mga ito?
Sanggunian: modyul ng mga Mag-aaral sa Komtemporaryong Panahon
Pahina: 242-244







Walang komento:

Mag-post ng isang Komento