Masusing Banghay Aralin Panlipunan Grado 10 ( Komtemporaryong Panahon )


Gawain ng Guro
Gawain ng Mag-aaral
   Sa nakaraan natin aralin napagaralan natin ang globalisayon at mga ibat-ibang manipestasyon nito, ano ulit ang isang buhay na manepestasyon ng globalisasyon?

Magaling!

Kaugnay nga ng aralin natin noong nakaraan, ngayon ay hahatiin ko kayo sa 8 grupo para sa isang aktibidad. Naiintindihan ba mga anak?
(Group Jumble words, hahatiin ang klase sa 8 grupo at bawat grupo ay mayroong mga envelop na may laman na mga salitang kaugnay sa atin  aralin na bubuoin at magbibigay ng ideya ayon sa salitang nabunot ng grupo sa loob ng 3 minuto kada grupo).
1.Job-mismatch
2. k-12
3. mababang pasahod
4. W.T.O (world trade organization)
5.skilled workers
6.OFW
D. Pagtalakay:
    Ang mga salitang iyong nabuo ay may kinalaman sa aralin natin ngayon na globalisasyon at ang mga isyu ng paggawa,gaano ng aba kahalaga ang mga manggagawa?





      Okay mahusay!
    Kaya naman mahalagang maprotektahan ang kanilang mga karapatan.Ang globalisasyon ay mayroong epekto sa mga manggagawang Pilipino.
Ano kaya ang mga ito?


 


          Magaling!
Ang pag-usbong ng mga TNC at MNC ay nagdulot ng malaking demand sa murang paggawa at iba pang mga isyu.Nang dahil diyan ay nangailangang gumawa ng isang organisasyon,ano ito?

      Mahusay!
Paano naaapektuhan ng mga TNC at MNC ang mga pamahalaan?






       Tumpak!
Mayroong apat na pangunahing naidudulot ang globalisasyon sa paggawa,magbigay nga ng isa.





       Tama!
Iyan ay alinsunod sa pagyabong ng produksyon.ano pa?




   Nakuha mo! Magaling

  Mayroon poi tong epekto at iyon ay ang pagbabago ng salik ng produksyon.ngayon ay high-tech na ang mga bagay kaya naman ang mga kagamitan at trabahador ay kailangang maalam sa mga makabagong teknolohiya.
Sa presyo naman,ano ang epekto ng globalisasyon sa presyo ng mga produkto at serbisyo?




 Mahusay!
Ngayon upang makasunod ang Pilipinas sa globalisasyon,nagkaroon ng k-12,paano ito nakakaapekto sa mga manggagawa sa hinaharap?





  Magaling ang iyong sagot!
Text Box: Tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho,Malaya at pantay na oportunidad sa paggawa at maaayos na workplaceNgayon naman pag-usapan natin ang apat na haligi para sa isang disente at marangal na paggawa ayon sa DOLE.
Text Box: Employment Pillar



Text Box: Naglalayong palakasin at siguruhin  ang paglikha ng mga batas para sa paggawa at matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa
Text Box: Workers’ Rights Pillar


Text Box: Hikayatin ang mga kompanya,pamahalaan at mga sangkot sa paggawa na lumikha ng mga makanismo para sa proteksyon ng manggagawa at katanggap-tanggap na sahod.

Text Box: Social Protection Pillar
Text Box: Palakasin ang lagging bukas na pagpupulong sa pagitan ng pamahalaan,mga manggagawa at kompanya sa pamamagitan ng paglikha ng mga collective bargaining unit

Text Box: Social Dialogue Pillar



 Bakit mahalaga ang mga pillars na iyan?



       Mahusay!
 Ito ay binalangkas ng DOLE upang mas mapaigting ang pagprotekta sa karapatan ng mga manggagawa.nakita ng DOLE ang pagunlad ng sector ng serbisyo kaya naman ginawa nila ang apat na haligi.

E.Paglalapat
        Kung ikaw ang pinuno ng DOLE, ano ang maisa-suggest mo upang mas mapabuti ang kalagayan ng mga manggagawa at masigurong maayos ang pagtrato sa kanila?
 Magaling!

E. Paglalahat
    Paano nakakaapekto  sa iyo ang mga suliranin sa paggawa?




    Mahusay!

IV. Ebalwasyon :
     Punan ang tsart sa ibaba ng mga tinalakay ngayong aralin(suliranin/isyu sa paggawa)
K ( Kinakaharap na isyu)
K ( Kasalukuyang kalagayan)








P ( Programa)
G ( Gagawin ko)










Takdang Aralin :
    Pag-aralan at isulat sa notebook ang mga sumusunod.
1.Sektor ng Agrikultura
2.Sektor ng Industriya
3.Sektor ng Serbisyo
Gumupit ng mga larawan:


Sector ng Agrikultura

Sektor ng Industriya


Sektor ng Serbisyo



Ma’am ang buhay na manepestasyon po ng globalisayon ay ang mga manggagawa pol abas ng bansaito nga po ang OFW.









Opo!!!




























Napakahalaga po, dahil sila ang mga tao sa likod ng mga produkto at serbisyo na ginagamit natin o mga kailangan natin.













Sobrang mahalaga po dahil sila ang mga tao sa likod ng produkto at serbisyo na kailangan natin.









 Mababang pasahod po, kontraktuwalisasyon kung saan nawawalan ng benepisyo ang mga manggaggawa at job mismatch kung saan ang kanilang napag aralan ay hindi angkop sa kanilang trabaho.





Ang World Trade Organization po na nagsisisgurong patas at maayos ang Sistema ng paggawa.









Ang mga MNC  at TNC po ay naiimpluwensyahan ang mga polisiya sa isang bansa.Ang kanilang mga pamumuhunan ay nakakatulong sa ekonomiya kaya naman karaniwan sila ang nasususnod.









Ang pagtaas ng demand sa mga skilled workers at technical vocational courses,upang matugunan ang pangangailangan ng mga investors.








Ang pagkakataon po na makilala ang local na produkto sa pandaigdigang pamilihan.Pag nanagyari poi yon ay uunlad ang mga lokal na negosyo.


















Dahil sa mga mas murang pasahod sa mga manggagawa,mas efficient na teknolohiya,mas kaya nap o ng mga negosyante na babaan ang presyo.










Ang k-12 ay magbibigay ng kakayahan sa mga mag-aaral na Pilipino at ihanda sila sa pagharap sa 21st century.






















































 Ito po ay para sa ikabubuti ng mga manggagawa.para na rin po masiguro ang kanilang proteksyon sa batas.








Hindi ko po pahihintulutan ang job contactualization,sisiguraduhing sapat ang pasahod,tataasan ang minimum wage at mas hihigpitan ang mga batas  sa pamamagitan ng pagsuspinde sa mga kompanyang lalabag.





Bilang isang manggagawa ng hinaharap,maaari po na makaapekto sa akin pag ako ay isa naring manggagagawa.ang mga magulang ko rin po ay maaapektuhan ng mga suliraning ito.Ang problemasa paggawa ay problema ng lipunan.































Walang komento:

Mag-post ng isang Komento